Tatlong medical expert mula sa Israel ang darating sa Pilipinas upang magturo ng kaalaman nila sa pagbabakuna matapos ang matagumpay nilang vaccination rollout.

“This coming June 20 darating po ang tatlong eksperto ng Israel para turuan tayo kung paano ang maayos at masusing pag-vaccinate sa kanilang mamamayan,” lahad ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa TeleRadyo nitong Sabado.

Maliban sa pagbakuna, tuturuan din umano ang mga Filipino health worker kung paano i-deploy at hawakan ang mga sensitibong bakuna tulad ng mga mula sa Pfizer at Moderna.

“‘Yung mga experts na ito magtuturo ng kanilang kaalaman para makabalik sa new normal ang buhay natin,” dagdag ni Galvez.

Noong Marso inanunsyo ng Israel na mahigit 9.3 milyong populasyon nito ang nabakunahan na laban sa COVID-19 vaccine at dahil sa matagumpay na pagbabakuna ay unti-unti na nilang binubuksan ang kanilang bansa matapos ang tatlong lockdown.

The post 3 eksperto ng Israel tuturuan ‘Pinas sa pagbakuna first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/3-eksperto-ng-israel-tuturuan-pinas-sa-pagbakuna/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=3-eksperto-ng-israel-tuturuan-pinas-sa-pagbakuna)