Arestado ang tatlong hinihinalang tulak ng shabu sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Sta. Rosa City, Laguna madaling araw ng Martes.

Dakong alas-2:25 a.m. ng madaling araw umano ng mahuli sina Crisales Cayog at Joey Salazar matapos magbenta ng pakete ng shabu sa isang undercover agent ng pulisya sa Barangay Pooc.

Sinubukan pa umano nilang tumakas sa mga pulis ngunit hindi nila magawa ng mapalibutan na ng mga awtoridad.

Nakuha sa dalawa ang 11 pakete ng shabu.

Samantala, dakong alas-12:10 a.m. naman ng madaling araw nang mahuli si Richel Tano sa Barangay Caingin.

Nakuha naman sa kanya ang siyam na pakete ng shabu.

Ayon sa pulisya, ang tatlo ay nasa listahan nila ng mga wanted na drug pusher.

The post 3 tulak, tiklo sa buy-bust first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/3-tulak-tiklo-sa-buy-bust/)