Abot sa 700 turista mula sa NCR Plus area ang nagtungo sa Boracay kasunod ng pagluwag ng biyahe matapos ipatupad ang general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila at kalapit na probinsya.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), aabot sa 718 biyahero ang nagtungo sa Boracay nitong Sabado.

Siniguro naman ni Transportation Secretary Arthur Tugade na masusunod ang mga health protocol kontra COVID-19 sa mga airport.

Noong June 1 inanunsyo ng Malay local government na puwede nang pumasok sa isla ng Boracay ang mga turista mula NCR Plus.

Kailangan pa rin sumalang ng mga biyahero sa RT-PCR test bago makapasok sa Boracay.

The post 700 turista mula NCR Plus enjoy sa Boracay first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/700-turista-mula-ncr-plus-enjoy-sa-boracay/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=700-turista-mula-ncr-plus-enjoy-sa-boracay)