Hinatulan na ang isang abogado sa pagpaslang ng kanyang misis na si Edith Ocampo noon pang 2002.

Guilty ang naging desisyon ng Manila Regional Trial Court Branch 21 kay John Fabico, sa kasong parricide.

Reclusion perpetua o aabot sa 40 taong pagkabilanggo ang parusa kay Fabico, na dating nagtrabaho sa Philippine National Oil Company at Energy Development Corporation.

Magbabayad din ng P300,000 danyos si Fabico sa pamilya ni Ocampo, na may interes na 6 percent kada taon.

Si Edith ay pinaslang sa loob ng kanilang bahay sa Tondo, Manila noong December 23, 2002, nagtamo ito ng dalawang tama ng bala sa kanyang dibdib.

Naging testigo ang kanilang kasambahay, kung saan sinabi nito na may dugo ang damit ni Fabico matapos niyang marinig ang putok ng baril sa kuwarto ng mag-asawa.

The post Abogado guilty sa pagpatay ng sariling asawa first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/abogado-guilty-sa-pagpatay-ng-sariling-asawa/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=abogado-guilty-sa-pagpatay-ng-sariling-asawa)