Isang buwan bago magsimula ang bakasyon sa mga pampublikong paaralan, naghihintay pa rin ang mga guro sa laptop at data allowance na pinondohan sa ilalim ng Bayanihan to Recover As One (Bayanihan 2) na naisabatas noong Disyembre 2020.

Ayon sa Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa ilalim ng Bayanihan 2 ay bibili ang Department of Education (DepEd) ng 68,500 laptop at magbibigay ng 100GB data allowance sa mga guro.

“Those provisions were meant to help us better perform our especially challenging duties for the current school year. Those were part of the state’s mandate to provide the operational needs of distance learning. Pero anong petsa na?” tanong ni ACT Secretary General Raymond Basilio.

Noong Mayo ay inanunsyo ng Department of Budget and Management (DBM) na nailabas na nito ang lahat ng pondo sa ilalim ng Bayanihan 2.

Sa Hulyo 10 naman ang huling araw ng School Year 2020-2021.

Ayon sa ACT mayroong mga guro na nakatanggap ng laptop pero bigay ito ng lokal na pamahalaan o galing sa 2020 computerization program ng DepEd at hindi sa binili gamit ang pondo ng Bayanihan 2.

“DepEd is notorious for its poor fiscal performance, which have long forced teachers to shoulder the costs of education delivery. But this can’t go on. We simply can’t afford it any longer amid the severe crises besetting our country. We need a definitive answer from DepEd: when will these provisions be enjoyed by teachers and students?” sabi ni Basilio.

Sinabi ni Basilio na dapat papanagutin ang DepEd sa kanilang ipinamalas na kabagalan na taliwas sa layunin ng Bayanihan 2 na makapagbigay ng agarang tulong.

Ang Bayanihan 2 lamang umano mayroong inilaan pondo para matulungan ang education sector. Ang Bayanihan 1 ay walang inilaan para sa naturang sektor samantalang ang Bayanihan 3, na mayroong dagdag sanang pondo ay nananatiling nakabinbin at malamig ang pagtanggap ng administrasyon.

The post ACT: Malapit na bakasyon pero guro nganga pa rin sa laptop, data allowance first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/act-malapit-na-bakasyon-pero-guro-nganga-pa-rin-sa-laptop-data-allowance/)