Naghain si Senador Sonny Angara ng isang panukala na magbibigay na libreng COVID-19 testing para sa mga naghahanap ng trabaho.

Sa ilalim ng Senate Bill 2291 o Free COVID-19 Testing for Jobseekers Act ay magmamandato sa gobyerno na sagutin ang dagdag na pre-employment ng COVID-19 test.

Layunin din ng panukala na i-promote ang kaligtasan ng mga jobseeker at tiyaking na magtutuloy-tuloy ang negosyo at trabaho sa bansa sa pamamagitan ng pag-subsidize ng COVID-19 testing lalo na sa micro, small, and medium enterprises (MSME).

“Considering the imperative for the national government to ensure the labor market’s recovery, there is a need for a human-centered policy that actually encourages people to go back to work while cognizant of many changes brought about by the pandemic,” sabi ni Angara sa kanyang explanatory note.

“Through this policy, we are not only recognizing the importance of ensuring the safety and health of our entire workforce but we are also providing equal employment opportunities for younger cohorts and those who became unemployed during the pandemic to enter the labor market,” dagdag nito.

Sa ilalim ng SB 2291, ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang sasagot sa gastos ng COVID-19 testing.

Ang Department of Health, sa pakikipagtulungan ng Department of the Interior and Local Government, Department of Labor and Employment at Department of Trade and Industry, ay aatasan na matiyak na libre at accessible ang COVID-19 test sa lahat ng mga jobseeker.

Ang libreng free COVID-19 tests na ito para sa mga naghahanap ng trabaho ay ipapatupad lang sa panahon ng pandemic national emergency.

Sabi ni Angara, ang mga pwedeng mag-avail ng freed COVID-19 test ay mga indibidwal na unang beses pa lamang naghahanap ng trabaho, mga unemployed na naghahanap ng trabaho at manggagawa na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

The post Angara: Ilibre COVID testing para sa mga naghahanap ng trabaho first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/angara-ilibre-covid-testing-para-sa-mga-naghahanap-ng-trabaho/)