Pinaalalahanan ng lokal na pamahalaan ng Angono, Rizal ang kanilang mga residente na huwag tangkilikin ang mga nagbebenta ng slot para sa COVID-19 vaccine.

Ito’y nakasaad sa Executive Order 2021-15 na nilagdaan ni Mayor Jeri Mae Calderon kung saan paparusahan ang mga mahuhuling magbebenta ng bakuna.

Maaaring makasuhan ng estafa o bribery ang sinumang lalabag sa iligal na bentahan ng COVID-19 vaccine.

Ito’y kasunod ng mga napaulat na pagbebenta sa social media ng ilang indibiduwal ng slot para sa bakuna, kung saan umaabot ang presyo mula P12,000 hanggang P15,000.

The post Angono nagbabala sa ‘bakuna for sale’ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/angono-nagbabala-sa-bakuna-for-sale/)