Inanunsyo ng Antipolo City government na hinto muna ang kanilang pagtuturok dahil naubusan sila ng COVID-19 vaccine.

Sa Facebook post ng lokal na pamahalaan ng Antipolo, wala pang binibigay sa kanilang bakuna ang Department of Health at Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease.

“May dumating man sa bansa, uunahin pa din ng IATF at DOH ang mga taga NCR / Metro Manila. Kung ang Manila at Quezon City ay nakatanggap ng humigit kumulang tig-kalahating milyong bakuna, wala pa sa 10% nito ang binigay sa Antipolo,” giit ng pamahalaan ng naturang lungsod.

“Sana all madaming bakuna tulad ng Metro Manila,” pitik pa nito.

April 30 ay nagsuspende na ng online registration ang Antipolo Vacc Operations Center dahil kulang din sila ng supply ng bakuna.

The post Antipolo naubusan ng bakuna, tigil muna sa turukan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/antipolo-naubusan-ng-bakuna-tigil-muna-sa-turukan/)