Panay kahol at walang kagat ang Philippine Azkals sa kanilang laban nitong Martes ng madaling araw (oras sa Pilipinas) matapos magtamo ng 0-2 na pagkatalo sa kamay ng China  sa Sharjah Stadium, United Arab Emirates.

Na-foul ni goalkeeper Bernd Schipmann  si Wu Lei ng China na nagresulta sa penalty kick sa 57th minute at siyang nagbigay ng 1-0 abante para sa mga Chinese.

Ngunit matapos lamang ang ilang minuto ay dinagdagan ni Wu Xinghan ang kalamangan ng China sa isang malapitang goal sa 65th minute.

Hindi na nakabangon pa o naka score ang Azkals.

Dahil sa pagkabigo ay tuluyan ng naglaho ang kanilang pangarap na makapasok  sa 2022 World Cup.

Ang nananatiling pagasa ng Azkals sa torneo ay makapasok sa 2023 AFC Cup. 

The post Azkals bigo sa China, 0-2 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/azkals-bigo-sa-china-0-2/)