Pumalag ang opposition coalition na 1Sambayan sa posibleng pagtakbo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagka-bise presidente sa 2022.

Ayon kay 1Sambayan convenor Howard Calleja, iba ang kaso ni Duterte sa pagbabalik sa politika nina dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na naging House Speaker, at ex-President Erap Estrada na nanalo namang alkalde sa Maynila.

Paliwanag ni Calleja, base sa line of succession sa pagiging Pangulo, nasa ikaapat lamang ang House Speaker, kaiba sa Bise Presidente na hahalili agad sakaling hindi matapos ng top executive ang kanyang termino.

Bukod pa rito, ang House Speaker ay magsisilbi lamang na interim president hanggang sa may magpatawag ng eleksyon.

Sa mga bise presidente naman, kailangang tapusin niya ang termino at magsilbi bilang Pangulo.

“If it is the Senate president, Speaker, or the Chief Justice, depends on the line of succession as the case maybe, they are not there to assume the unexpired term. They are there only in an interim basis not as president, but in interim basis to call for an election,” ayon kay Calleja sa panayam ng ANC.

Ibig sabihin, magkakaroon ng problema sa Konstitusyon dahil posibleng maging Pangulo ulit si Duterte kung titingnan ang line of succession sakaling manalong bise presidente.

Kinuwestiyon din ni Calleja ang desisyon ng PDP-Laban kung saan si Duterte ang pinapipili ng kanyang magiging running mate sa pagka-Pangulo.

“Obviously, the presidential candidate is now a puppet of the vice president,” ayon kay Calleja.

The post Bagong Pangulo magiging puppet lang! Duterte bawal tumakbong VP – 1Sambayan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bagong-pangulo-magiging-puppet-lang-duterte-bawal-tumakbong-vp-1sambayan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bagong-pangulo-magiging-puppet-lang-duterte-bawal-tumakbong-vp-1sambayan)