Nakatakdang  mag-donate ang Estados Unidos ng bulto ng COVID-19 vaccine sa Pilipinas, ayon sa US Embassy sa Maynila.

Ito’y dahil kasama ang Pilipinas sa mga bansa na mababahagian sa 55 milyong bakuna na donasyon ng Amerika sa iba’t ibang nasyon.

“This is in addition to the Philippines’ allocation under the previous June 3 announcement of the first 25 million US vaccine doses to be shared globally, as pledged earlier by President Biden to help end the pandemic,” ayon sa Embahada.

16 milyong bakuna ang ibibigay sa mga bansa sa Asya, idadaan ito sa pamamagitan ng COVAX facility.

14 milyong dose naman ang direktang ibibigay sa iba pang kaibigan at kaalyadong bansa kung saan kasama rin ang Pilipinas.

“Sharing millions of US vaccines with other countries signals a major commitment by the US Government. Just like we have in our domestic response, we will move as expeditiously as possible, while abiding by US and host country regulatory and legal requirements, to facilitate the safe and secure transport of vaccines across international borders,” saad ng US government.

The post Bakuna mula US dadagsa sa ‘Pinas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bakuna-mula-us-dadagsa-sa-pinas/)