Binuksan na nitong Martes ang drive-thru na vaccination site sa lungsod ng Maynila na para lamang sa mga tsuper ng tricycle, pedicab at delivery rider.

Pinangunahan nina Bise Presidente Leni Robredo at Manila Mayor Isko Moreno ang pagbubukas ng vaccine site.

Ito ay proyekto ng Office of the Vice President, lokal na pamahalaan ng Maynila at ilang pribadong sektor.

Magtatagal mula Hunyo 22 hanggang Hunyo 23 ang turukan dito.

“We are thankful for all the volunteer doctors and nurses, including from our Bayanihan E-konsulta initiative, who already signed up to join us on-site for this effort,” wika ni Robredo.

The post Bakunahan pang-tsuper, binuksan sa Maynila first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bakunahan-pang-tsuper-binuksan-sa-maynila/)