Kontra si Manila Mayor Isko Moreno sa pagpapasahan ng posisyon sa gobyerno mula sa iisang pamilya.

Sa panayam ng ANC kay Moreno, naitanong sa alkalde kung anong reaksyon niya sa posibilidad na pagtakbo ni Davao City Mayor Sara Duterte sa pagka-Pangulo, papalitan ang kanyang ama na si Pres. Rodrigo Duterte.

“Ayokong pangunahan ang taumbayan sa pagpili nila ng kanilang lider. But I hope they will not be called stupid later on,” ayon kay Moreno.

Nang matanong tungkol sa political dynasty, sinabi ni Moreno na hindi dapat minamana ang puwesto sa gobyerno.

“There is presence, clear presence of political dynasty at hindi ako naniniwala na ang position sa gobyerno minamana, in a democratic government,” lahad ng alkalde.

“Ang demokrasya ang taumbayan ang pumipili, hindi ipinipilit yung mga kalahi niya pagkatapos na niya. Hindi ako naniniwala dyan and I am not gonna vote for that as a voter and I disagree as a citizen of this country,” aniya pa.

Matatandaan na sigurado na umano ang pagtakbo ni Inday Sara sa pagka-Pangulo sa 2022, ayon kay Albay Rep. Joey Salceda.

The post Banat sa mga Duterte? Puwesto sa gobyerno hindi minamana – Moreno first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/banat-sa-mga-duterte-puwesto-sa-gobyerno-hindi-minamana-moreno/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=banat-sa-mga-duterte-puwesto-sa-gobyerno-hindi-minamana-moreno)