Pansamantalang isinara ang isang barangay hall sa Bacoor, Cavite matapos magkahawa-hawa ang mga kawani nila ng COVID-19.

Ayon sa pamahalaang `panglungsod, pitong opisyal ng Barangay Salinas II ang nagkaroon ng virus.

Bukod sa kanila ay may iba pang mga nagtatrabaho sa barangay hall ang napagalamang naging direct contact ng mga nagpositibo at dapat sumailalim sa quarantine.

Ang pagsasara ng barangay hall ay epektibo mula Hunyo 3 hanggang Hunyo 17.

Samantala, ang mga tanod na hindi naging direct contact ng mga nagpositibo ay patuloy na nagpapatrol sa barangay sa pamamagitan ng mga barangay outpost.

Isinailalim na rin sa testing at contact tracing ang iba pang kawani ng nasabing barangay.

The post Barangay hall sa Cavite, sarado dahil sa COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/barangay-hall-sa-cavite-sarado-dahil-sa-covid/)