Nilinaw ni Justice Secretary Menardo Guevarra na hindi maaaring ikulong ang sinuman na aayaw magpaturok ng COVID-19 vaccine.

Aniya, walang nakasaad sa batas na puwedeng parusahan ang mga tumatanggi sa bakuna, lalo’t nasa trial phase pa lang ang mga ito.

“As a lawyer he knows that not getting vaccinated is a legal choice; there is no law as yet that compels vaccination against COVID-19, much less criminalizes it, as presently available vaccines are still in their trial phases,” paliwanag ni Guevarra.

Matatandaan na tinakot ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na kanyang ipapakulong ang sinumang ayaw magpabakuna.

Ngunit paniniwala ni Guevarra, gumamit lang ng matapang na salita ang Pangulo para makumbinsi ang mga Pinoy na magpabakuna na.

“I believe that the President merely used strong words to drive home the need for us to get vaccinated and reach herd immunity as soon as possible,” saad ng kalihim.

The post Bawal ikulong! Hindi krimen ang pag-ayaw sa bakuna – DOJ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bawal-ikulong-hindi-krimen-ang-pag-ayaw-sa-bakuna-doj/)