Dapat umanong himayin kung saan nanggagaling ang ginagastos sa mga itinatayong troll farm ng isang undersecretary ng gobyerno.

Ito ang sinabi ni Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite matapos na isiwalat ni Sen. Panfilo Lacson na mayroong undersecretary ng gobyerno na nagtatayo ng mga troll farms sa bawat probinsya upang tuligsain ang mga kritiko ng gobyerno at maaaring gamitin din laban sa mga kalaban ng mga kandidato ng administrasyon sa halalan sa susunod na taon.

“Is this the same troll farm involved in red-tagging progressive groups and in sharing fake news and posts attacking the opposition and critics of the administration? Who is this Usec and where are the funds coming from?” tanong ni Gaite.

Sinabi ni Gaite na dapat ding malaman kung mayroon pang mas mataas na opisyal na sangkot sa pagtatayo ng mga troll farm.

“Who has authorized the formation of these troll farms? Kung merong impormasyon ukol dito ay dapat itong agad na isiwalat sa sambayanan, laluna kung ginagamit ang buwis ng bayan para dito,” saad ng solon.

Hindi umano ito ang unang pagkakataon na gagamitin ang mga troll farm para suportahan ang administrasyon at iimpluwensyahan ang magiging resulta ng halalan.

“Dapat masawata ito, they should not be using the limited funds of the government for such illegal operations, especially now that these funds are needed for aid and the pandemic response. We ask Sen. Lacson to share the details of these illegal operations and to name the public official spearheading it,” wika pa ni Gaite.

The post Bayan Muna cong: Pondo ng gobyerno ginagastos sa troll farm? first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bayan-muna-cong-pondo-ng-gobyerno-ginagastos-sa-troll-farm/)