Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara de Representantes ang panukalang pagbibigay ng survivorship benefit sa asawa at mga anak ng namatay na miyembro ng National Prosecution Service (NPS).

Sa botong 247 pabor, walang tutol at abstention, inaprubahan ng Kamara ang House Bill 9087.

Ang asawa at mga anak ng miyembro ng namatay na NPS bago magretiro pero kuwalipikado na sa optional retirement ay makatatanggap din ng katulad na benepisyo.

Ang asawa ay makatatanggap ng retirement benefits hanggang sa siya ay mamatay o hanggang sa siya ay muling mag-asawa.

Kung ang namatay na NPS member ay walang asawa at mga anak, ang kanyang retirement benefit ay mapupunta sa kanyang magulang.

Kasama sa bibigyan ng benepisyo ang mga namatay na NPS member isang taon bago maisabatas ang panukala.

The post Benepisyo para sa pamilya ng masasawing piskal, lusot sa Kamara first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/benepisyo-para-sa-pamilya-ng-masasawing-piskal-lusot-sa-kamara/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=benepisyo-para-sa-pamilya-ng-masasawing-piskal-lusot-sa-kamara)