Umaasa si dating Makati City Mayor Junjun Binay na magsisilbing babala kay dating Senador Antonio Trillanes IV ang naging hatol sa kanya ng korte kaugnay ng mga pahayag ng  dating senador noong 2015.

Nitong Lunes ay hinatulang guilty si Trillanes sa kasong libel na isinampa ni Binay dahil umano sa mga mapanirang pahayag ng dating mambabatas.

Matatandaang sinabi ni Trillanes sa media na nagbayad si Binay sa ilang husgao sa Court of Appeals para pumabor sa kanya ang dating kasong kinaugnayan nito.

At dahil guilty sa libel ay magbabayad si Trillanes kay Binay ng P500,000 dahil sa kasiraan sa pagkatao nito, at P100,000 naman bilang multa sa korte.

“Sana sa desisyong ito ng hukuman ay matigil na ang marumi at mapanirang politika na itinataguyod ni Trillanes. Sana ay matigil na ang pagpaparatang ng walang katibayan na ang layunin lang ay siraan ang mga kaaway sa politika,” wika ni Binay nitong Martes.“The decision is a reminder to Trillanes that being a senator is not a license to destroy reputations. He has clearly abused his power as a senator and the decision establishes that beyond doubt,” dagdag pa ng dating alkalde. 

The post Binay kay Trillanes: ‘Wag abusuhin kapangyarihan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/binay-kay-trillanes-wag-abusuhin-kapangyarihan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=binay-kay-trillanes-wag-abusuhin-kapangyarihan)