Pasado na sa Kamara de Representantes ang panukala na ideklarang ecotourism site ang Cagnituan Fall sa Maasin, Southern Leyte.

Ang House Bill 9355 na akda ni Southern Leyte Rep. Roger Mercado ay inaprubahan sa ikatlong pagbasa sa 206 boto.

Sa ilalim ng panukala gagawing prayoridad ng Department of Tourism (DOT) at iba pang ahensya ng gobyerno ang paglinang sa Cagnituan Falls.

Sa loob ng isang taon mula sa pagsasabatas ng panukala, gagawa ang DOT sa pakikipag-ugnayan sa Maasin city government ng plano para mapalakas ang turismo sa lugar.

The post Cagnituan Falls dineklarang ecotourism site first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/cagnituan-falls-dineklarang-ecotourism-site/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=cagnituan-falls-dineklarang-ecotourism-site)