Kumpirmadong tatakbo si Sorsogon Governor Francis ‘Chiz’ Escudero para makabalik sa Senado sa 2022.

Tatakbo si Chiz sa ilalim ng National People’s Coalition, at nais niyang madala ang kanyang karanasan bilang gobernador para mapagtibay ang mga local government unit (LGU) sa pamamagitan ng batas.

“I confirm Senate President Tito Sotto’s statement that I do plan to run for the Senate. I do plan to place my name once again in the ballot for the Senate in the hope that I will be able to do my part in helping our country recover from this pandemic after this administration,” sambit ni Escudero.

Dating nagsilbi bilang senador si Escudero mula 2007 hanggang 2019 bago maging gobernador ng Sorsogon.

Bago ito ay nanungkulan muna si Chiz bilang kongresista mula 1998 hanggang 2007 sa first district ng Sorsogon.

Bagama’t nangunguna si Escudero sa mga senatorial survey, sinabi nito na hindi siya dapat makumpiyansa dahil maraming matutunog na tatakbo sa 2022 para maging senador.

“There are 10 reelectionists unless they are running for higher office and you’re looking at 8 to 12 former senators who intend to go back to the Senate, and about 5 to 8 Cabinet secretaries, incumbent secretaries who intend to run as well. We are not even counting showbiz and other known personalities,” paliwanag ni Chiz.

The post Chiz Escudero sasabak muli sa Senado first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/chiz-escudero-sasabak-muli-sa-senado/)