Umabot na sa higit-kumulang 60 milyong Pilipino ang rehistradong bumoto para sa 2022 national at local elections.

Ayon sa datos ng Comelec, nasa 58,231,612 na ang rehistradong botante mula June 18, 2021.

Karagdagang 1,226,412 application naman ang inaprubahan ng Election Registration Board mula April 19.

Aabot naman sa 816,183 aplikante na magiging 18 pagsapit ng Mayo ay pasado na rin sa ERB.

Samantala, 2,704 na botante ang na-deactivate, 67,981 ang nakansela dahil pumanaw na, habang 66,069 ang nag-transfer ng registration.

Nakita rin ang 17,108 double registration at 2,562 na double entry.

Tatakbo ang voting registration period hanggang katapusan ng Setyembre ngayong taon.

The post Comelec: Halos 60M Pinoy handang bumoto sa 2022 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/comelec-halos-60m-pinoy-handang-bumoto-sa-2022/)