Inanunsyo ni presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion na hindi na nire-require ng gobyerno ang private sector na magbigay ng kanilang in-order na bakuna mula AstraZeneca.

Ayon kay Concepcion, nakausap niya si vaccine czar Carlito Galvez Jr. at sinabihan siya na may sapat na supply ng bakuna na ang gobyerno.

“Secretary Galvez, two or three weeks ago, told me and they’re making it official that there is no need for us to donate anymore. I asked him why, and he said the government will have sufficient doses,” saad ni Concepcion sa panayam ng ANC.

That’s good news but those doses anyway are arriving next year in February, so there’s really no impact at this point in time,” lahad pa ni Concepcion.

Matatandaan na nagkaroon ng tripartite agreement ang private sector, local at national government na magbibigay ang mga pribadong kompanya ng bakuna sa gobyerno mula sa 17 milyong dose ng AstraZeneca vaccine.

The post Concepcion: Mga kompanya ‘di na kailangan mag-donate ng bakuna first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/concepcion-mga-kompanya-di-na-kailangan-mag-donate-ng-bakuna/)