Inalis na ng PAGASA nitong Huwebes ang lahat ng typhoon signal sa bansa kaugnay ng patuloy na paglayo ng bagyong ‘Dante.’

Sa tala ng ahensya dakong alas-11:00 a.m. ng umaga ng Hunyo 3 ay natagpuan nila ang sentro ng bagyo sa layong 205 kilometro kanluran, hilagang kanluran ng Dagupan City.

“All tropical cyclone wind signals are hereby lifted,” pahayag ng PAGASA.

Sa nabanggit na oras ay may lakas pa na 65 kilometro kada oras si ‘Dante’ at taglay ang pagbugso na aabot sa 90 kilometro kada oras. Kumikilos din ito sa bilis na 35 kilometro kada oras.

Tinatahak umano ng bagyo ang direksyong pa-hilaga mula sa West Philippine Sea.

The post ‘Dante’ patuloy palabas ng bansa – PAGASA first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dante-patuloy-palabas-ng-bansa-pagasa/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dante-patuloy-palabas-ng-bansa-pagasa)