Sumakabilang-buhay si Davao del Sur Governor Douglas Cagas dahil sa komplikasyon dulot ng COVID-19.

Kinumpirma ito ng kanyang pamilya nitong Huwebes ng umaga.

“It is with our deepest sorrow that we announce the passing of Governor Douglas ‘Dodo’ Cagas this morning, owing to COVID complications. He has joined his Creator in Heaven,” ayon sa pamangkin nitong si Ria Fe Cagas Fernandez.

Matagal nagsilbi bilang politiko si Cagas, nanalong congressman noong 1998 at nanatili sa pwesto hanggang 2007.

Matapos nito’y naging gobernador ng Davao del Sur kung saan tumagal din siya ng ilang termino.

“He was the loving husband of Congresswoman Didi and father to Vice Governor Marc Douglas. But not only that, he was also a brother, uncle, advisor and friend to many. He was the father of the Province of Davao del Sur, a dedicated public servant, and his life is a wonderful inspiration to all,” pag-alala pa ng pamangkin ni Cagas.

The post Davao del Sur Gov. Cagas pumanaw sa COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/davao-del-sur-gov-cagas-pumanaw-sa-covid/)