Nakalabas na sa Philippine area of responsibility ang Tropical Depression Dante.

Ayon sa Pagasa, lumabas si “Dante” ng alas-9:30 ng umaga.

Sa ngayon ay umakyat sa siyam ang iniwan nitong patay matapos tatlo pang biktima mula sa Leyte ang ini-report nitong Sabado sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Kabilang sa pumanaw ay isang 1-anyos na lalaki na na-suffocate sa putik at debris sa Panoraon, Davao de Oro.

Pumanaw naman matapos matangay ng baha sa Malalag, Davao del Sur ang isang 71-anyos na lalaki at 49-anyos na lalaki sa Hinoba-an, Negros Occidental.

Inaalam pa ang sanhi ng pagkamatay ng 14-anyos na babae sa Norala, South Cotabato.

Pinakabagong inulat na nasawi kay “Dante” ay isang 55-anyos na lalaki mula sa Norala.

Ang ikaanim na casualty ay 51-anyos na lalaki na tinangay din ng baha matapos sagipin ang kanyang kalabaw sa Dumanjug, Cebu.

The post Dedo kay ‘Dante’ sampa sa 9 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dedo-kay-dante-sampa-sa-9/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dedo-kay-dante-sampa-sa-9)