Mamimigay ng ivermectin ang ilang grupo sa Quezon City sa Sabado bilang bahagi ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan.

Bukod sa pamimigay ng gamot, sinabi ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor na magsasagawa rin ng medical mission ang Malayang Quezon City at Concerned Doctors and Citizens-ph (CDC-ph) sa Barangay Tatalon ala-1 ng hapon.

Sasama rin sa mga ito sina Deputy Speaker Rodante Marcoleta, at QC Rep. Onyx Crisologo.

Ang aktibidad ay tinawag na ‘Kalayaan sa Covid, Kalayaang uminom ng ivermectin.’

Ayon kay Defensor ang Barangay Tatalon ay mayroong 29 aktibong kaso ng COVID-19 sa kaslaukuyan. Mayroon ng 19 na nasawi sa naturang virus at 1,384 ang gumaling.

Naniniwala sina Defensor at Marcoleta na ang pag-inom ng ivermectin ay makatutulong upang maiwasan at gumaling sa COVID-19.

The post Defensor mamumudmod ng Ivermectin sa Araw ng Kalayaan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/defensor-mamumudmod-ng-ivermectin-sa-araw-ng-kalayaan/)