Sinabi ng tagapagsalita ni Vice President Leni Robredo na maaaring sa Setyembre ianunsyo ang desisyon ng Pangalawang Pangulo sa Halalan 2022.

“I’ve heard her say it could be as late as September, it could be sooner than September. Quite honestly only person who can say at this point is her,” pahayag ng VP spokesperson na si Atty. Barry Gutierrez sa June 4 episode ng The Chiefs ng One News.

“Everybody can rest assured that she is weighing this very carefully, she takes her responsibility as the leader of the opposition very seriously, and in her own time she will make her decision known,” dagdag niya.

Nitong Biyernes sinabi ni Robredo na wala pa siyang desisyon kung tatakbo na ba siya bilang gobernadora sa Camarines Sur at nananatiling bukas na maging kandidato sa pagka-Pangulo.

Ito ay matapos sabihin ni dating CamSur Rep. Rolando Andaya Jr., na nakausap niya raw ang Pangalawang Pangulo at pagiging gobernadora daw ang target nito sa 2022.

The post Desisyon ni Robredo sa 2022 ilalabas sa Setyembre – VP spox first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/desisyon-ni-robredo-sa-2022-ilalabas-sa-setyembre-vp-spox/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=desisyon-ni-robredo-sa-2022-ilalabas-sa-setyembre-vp-spox)