Hinimok ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang New People’s Army (NPA) na isuko ang kanilang miyembro na sangkot sa pagkamatay ng dalawang lalaki sa Masbate City.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, hindi sapat na humingi ng paumanhin ang Communist Party of the Philippines-NPA sa pagkamatay nina Keith Absalon, isang football player na dating nirepresenta ang Pilipinas, at kamag-anak na si Nolven.

Nasawi ang dalawa dahil sa improvised explosive device (IED) sa Masbate, ngunit nalaman na binaril pa pala ang mga ito.

“It now becomes their duty to turn over the terrorists responsible for the deaths so that justice maybe served to their families and loved ones,” ayon kay Año.

“The ends of justice require that those responsible must be held accountable for their crimes against the people under the laws of the Republic of the Philippines.”

The post ‘Di sapat ang sorry! DILG pinasusuko NPA member sa Masbate bombing first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/di-sapat-ang-sorry-dilg-pinasusuko-npa-member-sa-masbate-bombing/)