Binanatan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang Makabayan Bloc nitong Huwebes dahil sa pagpapaasa umano ng grupo sa mga naulila ni footballer Kieth Absalon sa Masbate.

Ayon kay DILG spokesperson at undersecretary Jonathan Malaya, ito ay matapos himukin ng Makabayan Bloc ang pamilya Absalon na magsampa ng kaso sa Joint Monitoring Committee (JMC).

Ang JMC ay itinatag upang bantayan ang pag-abuso ng pwersa ng pamahalaan at ng komunistang grupo.

Ngunit ani Malaya, nabuwag na ang JMC ilang taon na ang nakakaraan.

“The Joint Monitoring Committee was disbanded many years back. It no longer exists,” aniya.

“It’s unfortunate that the Makabayan Bloc is misleading the Absalon family who is demanding justice for the death of Keith and Nolven Absalon,” dagdag pa ni Malaya.

Kaya imbis  umano na sa JMC , sa korte dapat magsampa ng kaso laban sa mga miyembro ng NPA na nasa likod ng pagsabog ng landmine na ikinamatay ni Kieth at ng kanyang pinsan na si Nolven noong Linggo.

Hinimok ni din ni Malaya ang Makabayan Bloc na i-pressure ang CPP-NPA na isuko sa Commission on Human Rights ang mga miyembro nila na nasa likod ng krimen.

The post DILG sa Makabayan Bloc: ‘Wag lituhin pamilya Absalon first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dilg-sa-makabayan-bloc-wag-lituhin-pamilya-absalon/)