Hindi pa rin siguradong diretso sa altar kahit bongga na ang proposal ng inyong dyowa.

“Wag talaga tayo papakasiguro sa panahon ngayon. Hindi porket bongga ang proposal at mamahalin ang singsing tuloy ang kasal,” sey ni DJ Chacha sa Twitter.

Isang netizen ang hindi maiwasang ikumpara ito sa naging sitwasyon ng PBA player na si Scottie Thompson — nag-propose sa longtime girlfriend ngunit ginulantang ang lahat ng makasal sa iba.

“May bagong term ‘pag iniwan ka ng fiance mo.. ang tawag ngayon don ay Na-iskati,” sey ni @FANBOIEY.

Enero ngayong taon nang mag-propose ang Ginebra player kay Pau Fajardo, na dyowa niya simula pa noong college.

Ngunit nitong Hunyo lang ay nalantad na ikinasal na si Thompson sa isang flight stewardess na si Jinky Serrano.

The post DJ Chacha: Hindi sure sa kasal porke’t bongga proposal! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dj-chacha-hindi-sure-sa-kasal-porket-bongga-proposal/)