Itinanggi ng Health Department nitong Miyerkoles na ang Davao City na ang ‘epicenter’ ng COVID-19 sa bansa.

“Davao City is not an epicenter,”  pahayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Ito ay kaugnay ng ulat ng OCTA Research Group na nag-average ng 213 kaso kada araw ang siyudad, na mas mataas sa average ng Quezon City na nasa 207 kaso.

“We discourage the use of the term ‘epicenter’ in describing the rise of cases in an area,” dagdag pa niya.

Ayon pa kay Vergeire, ang terminong ‘epicenter’  ay hindi maaaring ipanglarawan sa Davao City, sapagkat ang naturang salita ay tumutukoy sa hotspot ng virus o ang lugar na pinagmulan ng mga impeksyon.

Dagdag pa niya,m  ang paggamit ng terminong ‘epicenter’ ay naglalayo ng atensyon sa ibang lugar na maaaring mas apektado na ng COVID.

Nauna na ring sinabi ng Palasyo na hindi magandang ikumpara ang Quezon City sa Davao City pagdating sa dami ng kaso ng virus.

The post DOH: Davao City hindi ‘epicenter’ ng COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/doh-davao-city-hindi-epicenter-ng-covid/)