Iniimbestigahan na ng Department of Health (DOH) ang mahal na presyo ng gamot na remdesivir na ginagamit sa mga COVID-19 patient.

Ayon kay DOH pharmaceutical division chief Dr. Anna Guerrero, dapat ay nasa P1,500 hanggang P8,200 lamang ang presyo ng naturang anti-viral drug.

Ngunit nakakita sila ng mga resibo na may nagbebenta ng remdesivir kung saan umaabot ang presyo sa P27,000.

“Meron pong resibo na ganun po ang nakasaad, minsan P15,000, P20,000, ang pinakamaatas ata P27,000,” ayon kay Guerrero sa panayam ng TeleRadyo.

Saad ng health official, kahit pa isama ang import cost ay hindi dapat umabot sa ganoong presyo ang remdesivir.

Tingin ni Guerrero, posibleng ang mataas na patong para sa nasabing gamot ay galing sa mga ospital.

“When we asked suppliers po, kasi imported po ito from India, hindi po ganun kataas so mukhang ang patong po talaga mga ospital,” paliwanag ni Guerrero.

The post DOH nabahala sa sobrang patong sa remdesivir first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/doh-nabahala-sa-sobrang-patong-sa-remdesivir/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=doh-nabahala-sa-sobrang-patong-sa-remdesivir)