Ipinaalala ng Department of Health (DOH) sa publiko na ipinagbabawal pa rin ang mga pagtitipon tulad ng mga party.

Ani DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, posible itong maging “superspreader event” na magreresulta ng mas maraming hawaan ng coronavirus.

“Tayo rin po ay nakikiusap sa ating local government units at sa ating publiko na ipinagbabawal pa rin po ang mga pagtitipon gaya ng parties na maaaring maging source ng superspreader events,” hayag ni Vergeire sa isang virtual press briefing.

“We urge the public to stay home and go out only when needed to prevent the transmission of COVID-19,” dagdag niya.

Matatandaang naiulat ang mga insidente ng pagtitipon sa Quezon City na nagresulta ng pagkakahawa sa COVID ng mga dumalo roon. 

The post DOH sa publiko: Bawal pa mag-party first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/doh-sa-publiko-bawal-pa-mag-party/)