Lusot na sa second round ang Los Angeles Clippers matapos talunin ang Dallas Mavericks, 126-111, sa Game 7.

Maagang pumutok si Luka Doncic para sa Mavs, sa first half pa lang ay nag-ambag na ito ng 29 points.

Ngunit sa second half ay nagsimula nang trumabaho ang Clippers, binuksan ang third quarter sa 19-6 scoring blitz para sungkitin ang kalamangan papasok ng final canto.

Umabot ang kalamangan ng Clips sa 18, sinubukan ni Luka na makapalag at napababa pa ito sa pitong puntos ngunit nagpakawala ng magkasunod na tres sina Reggie Jackson at Marcus Morris para iselyo ang panalo.

Nanguna para sa Clippers si Kawhi Leonard na gumawa ng 28 points, umayuda si Morris na may 23.

Binuhat naman ni Doncic ang Mavericks sa kanyang 46 points, 14 assists at seven rebounds.

Haharapin ng Clippers sa semifinals ang top seed Utah Jazz, na nakapagpahinga matapos gibain ang Memphis Grizzlies sa loob lamang ng limang laro.

The post Doncic laglag! Clippers vs Jazz sa Western Conference semis first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/doncic-laglag-clippers-vs-jazz-sa-western-conference-semis/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=doncic-laglag-clippers-vs-jazz-sa-western-conference-semis)