Handang abutin ni Vice President Leni Robredo ang Visayas at Mindanao ang kanilang inisyatibo na drive-through vaccination na unang ginawa sa Maynila.

Ito’y matapos hilingin ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez sa Bise Presidente kung maaaring i-expand ang kanilang operasyon hanggang sa rehiyon ng VisMin.

“The vice president should include cities in Mindanao and Visayas such as Cagayan de Oro and Iloilo where Covid-19 cases are increasing, instead of Manila, which has already given so much vaccines to its residents,” sambit ni Rodriguez.

Tugon naman ni VP Leni, “We are very much willing. Will ask our team to coordinate with yours.”

Nagsagawa ang Office of the Vice President ng ‘Vaccine Express’ para sa mga tricycle at pedicab driver, gayon din ang mga delivery rider.

Para maengganyo ang mga rider na magpabakuna ay namigay sila ng P500 gas card mula SEAOIL para sa mga magpapaturok.

The post Drive-thru bakunahan handang dalhin ni VP Leni sa VisMin first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/drive-thru-bakunahan-handang-dalhin-ni-vp-leni-sa-vismin/)