Inutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang maayos na pagtatapon ng medical waste partikular ang mga ginagamit sa mga hospital ngayong panahon ng pandemya.

Sa kanyang regular na Talk to the People, sinabi ng Pangulo na may mga report na hindi maayos ang pagtatapon ng medical waste at ito ay seryosong concern lalo na sa kalusugan at sa kapaligiran.

Inatasan ng Pangulo ang mga hospital at iba pang health care facility na tiyaking naitatapon ng maayos ang kanilang mga ginagamit na mga hiringgilya, at iba pang mga kagamitan para hindi makapaminsala sa kalusugan at sa komunidad.

“Balutin ninyo yang mga ano nyo, mga medisina yong naturok na at saka yung mga syringe, balutin nyo, ibigay ninyo sa basurero. Alam na nila kung ano ang gawin nila,” anang Pangulo.

Bukod sa mga medical waste ay problema rin aniya  ang pagtaas ng plastic waste mula sa food at non-food products at ito ay nakakabahala dahil sa peligro sa kapaligiran.

“The COVID-19 crisis has also given a rise to plastic waste and pandemic . The popularity of delivery of services has produced considerable solid waste. There have been several reports of poor disposal,” dagdag ng Pangulo.

Batay sa world report, 80 percent ng mga basurang itinatapon  sa karagatan ay mga plastik na nakakapinsala sa mga yamang dagat. 

The post Duterte: Basura mula ospital ayusin pagtapon! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-basura-mula-ospital-ayusin-pagtapon/)