May payo si Pangulong Rodrigo Duterte kay Senador Manny Pacquiao bago batikusin ang aksyon ng gobyerno tungkol umano’y kakulangan ng aksyon sa ilang problema ng bansa, kasama na ang isyu ng Pilipinas sa China.

Ayon kay Duterte, dapat ay mag-aral muna si Pacquiao tungkol sa mga national concern ng bansa bago nito punahin ang gobyerno.

“I don’t want to degrade him, but next time he should—mag-aral ka muna nang husto bago ka pumasok,” pitik ng Pangulo kay Pacquiao sa panayam kay Apollo Quiboloy.

Matatandaan na binatikos ni Pacquiao ang foreign police ni Duterte matapos sabihin ng Pangulo na walang magagawa ang Pilipinas sa China ukol sa West Philippine Sea.

Sa panayam noon kay Pacquiao, sinabi niya na nakukulangan siya sa aksyon ni Duterte nang dumugin ang West PH Sea ng mga barko mula China.

“Nakukulangan ako kumpara doon sa bago pa siya tumakbo, nag-e-eleksyon pa lang. Dapat ipatuloy niya yun para magkaroon din naman tayo ng respeto,” lahad ng mambabatas.

The post Duterte bumanat kay Pacquiao: Mag-aral ka muna! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-bumanat-kay-pacquiao-mag-aral-ka-muna/)