Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Pinoy na nabakunahan ng unang dose na bumalik at muling magpaturok para makumpleto ang proteksyon sa COVID-19.

“Ang problema dito, ‘yung nabakunahan na sa first injection, kailangan kayo ng booster, a second injection. Please find time to go back and line there, line up and show your card so that they would know you are receiving the second dose,” ayon kay Duterte.

“Find time at your own convenience na bumalik doon at magpabakuna,” aniya pa.

Pinahahanap din ng Pangulo sa mga local government unit (LGU) ang kanilang mga residente na hindi pa natuturukan ng second dose.

“I want the authorities and the LGUs to find out why this is happening…Kindly help us ferret out the persons who have not received the second booster until now,” saad ng Pangulo.

Una nang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na maaari pa ring turukan ang mga indibiduwal na hindi nakakuha ng ikalawang dose.

The post Duterte inutusan mga LGU: Hanapin nagmintis sa 2nd dose ng bakuna first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-inutusan-mga-lgu-hanapin-nagmintis-sa-2nd-dose-ng-bakuna/)