Magbibigay ng $1 million donasyon si Pangulong Rodrigo Duterte sa COVAX facility ng World Health Organization (WHO).

Ayon sa talumpati ng Pangulo nitong Lunes, ang donasyon ay bilang pagbawi sa COVAX na libreng nagbibigay ng bakuna sa mga mahihirap na bansa.

Saad ni Duterte, dumulog umano ang COVAX facility sa Pilipinas para sa donasyon bilang pandagdag pondo sa pagbili nila ng bakuna.

“They have asked the Philippines formally for a donation. Ako, it’s USD1 million, that’s about P50 million. Magko-contribute po ako kasi napakabuti ng COVAX sa atin,” ayon kay Duterte.

“At a time, we needed it most, [it was] one of the earliest agencies to help us aside from the contributions made by China,” aniya pa.

Ayon sa datos, umabot na sa 2.7 milyong dose ng bakuna ang natanggap ng Pilipinas mula sa COVAX.

Inaasahan na mabigyan pa ang bansa ng 4 million dose ng AstraZeneca at Pfizer vaccine, ayon kay WHO country representative Rabindra Abeyasinghe.

The post Duterte nangako ng $1M donasyon sa COVAX first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-nangako-ng-1m-donasyon-sa-covax/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=duterte-nangako-ng-1m-donasyon-sa-covax)