Ang pagbangga sa mga oligarko ang itinuturing ni Pangulong Rodrigo Duterte na pinaka-matinding nagawa nito sa kanyang administrasyon.

Sa panayam ni Pastor Apollo Quiboloy sa Pangulo, sinabi nitong napayuko nito ang mga oligarko at nailantad sa publiko kung paano nila pinagsasamantalahan ang taongbayan sa napakatagal na panahon.

Hindi aniya nagagalaw ang mga oligarko sa mga nakalipas na administrasyon at sa kanyang pangangasiwa lamang nahubaran ng maskara ang mga pinaggagawa ng mga ito sa bayan.

“I’m ready for retirement. But if you ask me what is my greatest achievement, in a very humble way, I exposed the oligarchy in the Philippines,” anang Pangulo.

“Kung meron man akong maipagbayang is sabi ko yong mga oligarchs na binibigyan ng kapangyarihan na sobra-sobra. At least ngayon takot talaga sila,” dagdag ng Pangulo.

Isa sa mga accomplishment ng Duterte administration ay ang pagbawi ng gobyerno sa Mile Long property sa Makati, na sa napakatagal na panahon ay napakababa ang upang ibinabayad ng isang mayamang negosyante.

The post Duterte proud na giniba mga oligarko sa ‘Pinas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-proud-na-giniba-mga-oligarko-sa-pinas/)