Pinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na maparurusahan ang isang pulis na bumaril sa isang lola sa Quezon City, ilang linggo na ang nakararaan.

Ayon kay Duterte, hindi niya kinukunsinti ang mga pulis na kriminal.

“Makulong iyan. Sigurado. I will see to it na makulong iyan,” saad ng Pangulo.

Kinuwestiyon din ni Duterte kung paano nakakapasa sa neuropsychiatric test ang mga bayolenteng pulis.

“Iyang mga pulis, akalain niyong matapang. Madali lang silang ano, barilin yung babae tapos ano… Bakit nakapasa ng neuro iyan? A petty quarrel tapos ganoonin mo,” giit pa ni Duterte.

Matatandaan na binaril ni Police Master Sergeant Hensie Zinampan ang isang ginang na si Lilybeth Valdezsa Quezon City dahil lamang sa alitan sa pamilya ng babae.

Kinasuhan na ng murder at administrative case si Zinampan para masibak ito sa serbisyo.

The post Duterte: Pulis na pumatay ng lola siguradong makukulong! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-pulis-na-pumatay-ng-lola-siguradong-makukulong/)