Viral ang isang estudyante na nagsagot ng kanyang module sa isang tulay sa Naga River.

Nakilala ang estudyante na si Carla Radores, isang Grade 11 student na nakuhanang nakaupo sa isang tulay habang sinasagutan ang kanyang mga kailangan sa pag-aaral.

Paliwanag ni Radores, naghahabol siya ng deadline at dahil walang WiFi sa kanilang bahay ay naisip niyang pumunta sa tulay kung saan abot ang internet ng isang kalapit na hotel.

Ang viral photo ni Radores ay kinuhanan ni Essel Bermudo.


Umabot kay Naga City Mayor Nelson Legacion ang naturang post at nag-offer na maglagay ng libreng WiFi sa 28 barangay.

The post Estudyante itinawid pagsagot ng module sa tulay first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/estudyante-itinawid-pagsagot-ng-module-sa-tulay/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=estudyante-itinawid-pagsagot-ng-module-sa-tulay)