Patay ang dating PBA import na si Galen Young matapos araruhin ng isang kotse ang kanilang bahay sa Memphis.

Ayon sa report ng Charlotte Observer, nasa harapan ng computer si Young nang bigla na lamang siyang tumbukin ng isang sasakyan.

Hindi naman nasaktan ang kanyang ina na kasama niya sa bahay.

Dating naglaro si Young para sa Alaska Aces at San Miguel Beermen.

Nagbigay-pugay naman si Jimmy Alapag kay Young, na kanya pang nakausap bago ito pumanaw.

“We had just talked a couple months ago about coaching and the joy of being able to share the wisdom/experiences we’ve learned from our own careers,” ayon kay Alapag.

The post Ex-PBA import inararo ng sasakyan kahit nasa bahay first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ex-pba-import-inararo-ng-sasakyan-kahit-nasa-bahay/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ex-pba-import-inararo-ng-sasakyan-kahit-nasa-bahay)