Matapos hindi maglaro sa nakaraang bubble season ay magbabalik-aksyon para sa NLEX Road Warriors ang beteranong shooter na si Larry Fonacier.

Simula umano na lumarga ang ensayo ng koponan sa Clark, Pampanga ay perfect attendance ang 39-anyos na manlalaro.

Matatandaang hindi lumaro ang 6’2 na guwardiya sa bubble season dahil daw sa pag alala sa kalusugan.

Bagamat matagal nang hindi nakakatapak sa hardcourt ay hindi pa rin sinasara ni Fonacier ang kanyang makulay na karera sa PBA na nagsimula noong 2005.

Ngunit hindi pa rin sigurado ang roster spot para sa dating Gilas Pilipinas player dahil 20 manlalaro ngayon ang nasa ensayo ng NLEX para mag bakbakan sa roster slot.

Gayunpaman, malaking bagay sa NLEX – at para sa alinmang koponan – ang shooting, depensa at experience na taglay ni Fonacier.

The post Fonacier, magka-comeback sa NLEX first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/fonacier-magka-comeback-sa-nlex/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=fonacier-magka-comeback-sa-nlex)