Nakatakdang magkaroon ng symbolic rollout para bakunahan ang ilang parte ng A4 priority group sa June 7.

Inanunsyo ito ni vaccine czar Carlito Galvez Jr, kung saan binahagi nito na matagal nang hinihintay ng mga local government unit na mabakunahan na ang kanilang mga manggagawa.

“Meron kaming tatawagin na rollout or symbolic rollout this coming June 7. It will be attended by high officials, the secretaries,” ayon kay Galvez sa panayam ng ANC.

“Nakikita na ito ay humigit kumulang 12 million population and they are rearing and very eager to be vaccinated,” aniya pa.

Nilinaw naman ni Galvez na hindi pa iyon ang pormal na rollout para sa A4, hihintayin pa ang donasyon mula COVAX facility para magtuloy-tuloy ang pagbabakuna sa mga empleyado.

“Ang pinaka-rollout talaga sa economic frontliners at government workers ay ‘pag dumating na ang main bulk from COVAX, ‘yung Pfizer at ‘yung almost two million na Sinovac,” saad ni Galvez.

Sa oras na simulan na ang pagbabakuna sa A4 priority group, uunahin muna ang mga edad 40 at ang mga may iniinom na maintenance na gamot.

The post Galvez: A4 priority group babakunahan sa June 7 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/galvez-a4-priority-group-babakunahan-sa-june-7/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=galvez-a4-priority-group-babakunahan-sa-june-7)