Sinariwa ni dating Defense Secretary Gilbert ‘Gibo’ Teodoro nitong Lunes ang naging pagkabigo niya noong 2010 sa pagka-pangulo.

Sa isang panayam sa kanya sa ANC, inilahad ni Teodoro na marami siyang natutunan sa pagkatalo.

“Of course, naturally, losing is not an easy thing to go through. It humbles you, it matures you, it makes you more realistic in life. And it opened up a lot of opportunities to be in the private sector learning a lot,” aniya.

Matatandaang naging standard-bearer siya ng partido ni dating presidente Gloria Arroyo na Lakas-CMD. Ayon kay Teodoro, wala naman siyang naging sama ng loob sa partido.

“Dapat, ang sama ng loob, sa COVID. We can’t afford it right now. Disappointment of course. You put your heart (in it), you get disappointed, you move on. The private sector welcomed me, and I learned a lot,” dagdag pa niya.

Naging matunog ang pangalan ni Teodoro sa mga posibleng tumakbo sa 2022 matapos makipagkita kay Davao City mayor Sara Duterte-Carpio kamakailan.

At sa halos 10 taong pagkawala sa public service, inamin niya na ang kanyang asawa, na si dating Tarlac Rep. Monica Prieto-Teodoro ang isa sa mga humikayat sa kanya na muling bumalik sa pagseserbisyo sa bayan.

The post Gibo natuto sa pagkatalo noong 2010 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/gibo-natuto-sa-pagkatalo-noong-2010/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=gibo-natuto-sa-pagkatalo-noong-2010)