Bilang lang sa daliri kung ilang NBA star ang nakasungkit ng Defensive Player of the Year award ng tatlong beses.

Nadagdagan na ito matapos pangalanan si Utah Jazz center Rudy Gobert na 2020-21 Kia NBA Defensive Player of the Year nitong Huwebes.

Sunod ang French native kina Dwight Howard, Ben Wallace at Dikembe Mutombo na nakakuha ng tatlo o higit pang DPOY award.

Sa kanyang ikawalong NBA season, si Gobert ang nanguna sa defensive rebounds — 10.1 ang average kada laro habang 720 naman ang total.

Bukod pa rito, namumuro din si Gobert sa kanyang league leading 190 total blocks, at ikalawa naman sa blocks per game na 2.70.

Naungusan ni Gobert para sa naturang parangal sina Philadelphia 76ers guard Ben Simmons, at Golden State Warriors forward Draymond Green.

The post Gobert 3-time Defensive Player of the Year! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/gobert-3-time-defensive-player-of-the-year/)