Pumirma na ng kontrata si Kiefer Ravena sa Japanese Basketball League para sa 2021-2022 season.

Inanunsyo ito sa Facebook page ng nasabing liga at sa website ng koponang paglalaruan ni Ravena, ang Shiga Lakestars.

“We are very pleased to announce that we have signed a new player for the 2021-22 Season with Kiefer Ravena,” saad sa website ng Lakestars.

Nakatakdang magdaos ng press conference sa Hunyo 7 ang nasabing koponan para pormal na ianunsyo ang pagpasok ni Ravena sa Lakestars.

Dahil dito ay sasamahan ni Kiefer sa liga ang nakababata nitong kapatid na si Thirdy, na pumirma muli ng kontrata sa SanEn Neophoenix matapos maglaro dito noong nakaraang season.

Ito na rin ang pangalawang buenas sa karera ng 27-anyos na guwardiya, dahil noong Mayo lamang ay nagkaroon siya ng kontrata sa Jordan Brand.

The post Goodbye PBA: Kiefer lalaro sa Japan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/goodbye-pba-kiefer-lalaro-sa-japan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=goodbye-pba-kiefer-lalaro-sa-japan)