Kinandado ng Bureau of Internal Revenue ang isang grocery store sa Parañaque City.

Ito ay dahil sa diumano’y hindi rehistrado ang tindahan at hindi nagbabayad ng value-added tax na umabot sa mahigit P21 milyon.

Sa ulat, pinangalanan ni South National Assistant Revenue Regional Director Saripuden Bantog ang tindahan na New Age Mart, na matatagpuan sa isang shopping center sa Manila Bay area.

Maaari pa umanong tumaas ang babayarang buwis ng tindahan kapag nakumpleto na ang pag-audit ng kita at iba pang mga buwis nito.

Maliban doon, nadiskubre rin umanong hindi nagdedeklara nang tamang halaga ng kanilang benta ang naturang tindahan sa isinagawang surveillance.

Hindi umano maaaring magbukas ang New Age Mart hangga’t hindi nababayaran ang pagkakautang nito sa buwis.

The post Grocery store sa Parañaque kinandado first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/grocery-store-sa-paranaque-kinandado/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=grocery-store-sa-paranaque-kinandado)