Inilabas na ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang guidelines para sa mga pasaherong bakunado sa Pilipinas.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na sa ilalim ng IATF Resolution No. 119, lahat ng darating na unang nabakunahan sa Pilipinas ay kinakailangan pa ring sumailalim sa pitong araw na quarantine sa isang quarantine facility.

“The IATF, in its Resolution No. 119 resolved that all arriving fully vaccinated individuals, who have been inoculated in the Philippines shall be required to undergo a 7-day facility-based quarantine upon arrival,” ani Roque.

Kaagad namang nilinaw ng kalihim na hindi kasali dito ang mga dayuhan, OFW at mga Pilipinong nabakunahan sa ibang bansa.

Kinakailangan pa ring sumailalim ang mga ito sa regular quarantine at testing protocols at tapusin ang 10-day facility-based quarantine.

“This does not cover foreign nationals,OFWs and Filipinos who have been fully vaccinated abroad. They have to undergo the regular quarantine and testing protocols, which is, to complete a 10-fay facility basd quarantine,” dagdag ni Roque.

The post Guidelines para sa mga balikbayang bakunado sa ‘Pinas, inilabas ng IATF first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/guidelines-para-sa-mga-balikbayang-bakunado-sa-pinas-inilabas-ng-iatf/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=guidelines-para-sa-mga-balikbayang-bakunado-sa-pinas-inilabas-ng-iatf)